Easter na naman! Siyempre hindi pahuhuli ang Baliw Balita sa mga maiinit na scoop ngayong Easter. Alamin kung paano nag-celebrate or nag-celebrate nga ba ng Easter ang mga controversial na political figures?
Easter ng CBCP:
Balak ipa-excommunicate ng CBCP ang Easter Bunny. Nalaman kasi ng CBCP na pro-RH bill ang Easter Bunny dahil mahilig daw itong magtago ng itlog.
Easter ni Mikey Arroyo:
Napbalitang kakasuhan daw ng Bureau of Internal Revenue si Mikey Arroyo matapos malamaman na hindi nag-declare ng tamang bilang ng easter eggs noong nakaraang taon ang naturang Congressman.
Easter ni Sen. Panfilo Lacson:
I-dedemonstrate ni Sen. Lacson ang iba’t-ibang paraan ng pagluluto ng itlog gamit ang mga recipes na natutunan from Google.com
Easter ni Marlene Aguilar:
Nagwawala habang pinabulaanan ni Marlene Aguilar na nagparty ang kanyang anak na si Jason Ivler kasama ang Easter Bunny sa Quezon City jail.
Easter ni Mr. and Mrs. Ligot:
Nakalimutan daw ng mag-asawang Ligot na Easter daw ngayon. Nang tanungin namin kung bakit nila nalimutan, they decided to invoke their right against self-incrimination.
Easter ni Mai Mislang:
Ayon sa aming chikadorang naka-Blackberry, nabasa niya ang mga tweets ni Mai Mislang. Ayon daw kay Mai Mislang: “walang poging easter bunny sa Vietnam!”
Easter ni Willie Revillame:
Nasa hot seat nananaman daw ngayon si Willie Revillame at gusto siyang pa-imbestigahan ng MTRCB at ng CHR. May kumakalat kasing YouTube video na pinasasayaw ni Willie ang Easter Bunny ng macho dance habang ito’y umiiyak.
Easter ni Mar Roxas:
Napabalitang pupunta ng Taiwan ang chief troubleshooter na si Mar Roxas para isalba ang relasyon ng Pilipinas ng Taiwan matapos ipadala ang 14 Taiwan eggs sa China.
Easter ni Presidente Noynoy Aquino
Ayon sa mga balita, ayaw daw magparticipate muna ni Presidente Noynoy sa mga egg hunting activities. Mas gugustuhin daw niya kung makaka-date niya ang isa mga Playboy Bunnies habang minamaneho ang kanyang Porsche.
Easter ni Merceditas Gutierrez
Napabalitang hindi raw mag-cecelebrate ng Easter si impeached Ombudsman Merceditas Gutierrez dahil mag-uumpisa pa lang ang kalbaryo niya sa Senado.
==================================================================
On a more personal note:
==================================================================
On a more personal note:
Nag-umpisa ang Baliw Balita noong 2009 sa i.Ph. Ngayon 2011, lilipat ang Baliw Balita sa bago nitong tahanan sa Blogger.com. Ang dahilan ng paglipat ay sa dahilang napag-iiwanan ng teknolohiya ang lumang bahay ng blog na ito.
Nahihirapan lang ako i-migrate ang mga lumang post sa i.PH dito sa Blogger.com. Pwede niyo pa rin balikan ang mga dating post. Bisitahin lamang po ang http://baliwbalita.i.ph.

