Sunday, May 1, 2011

Mga Royal na Balita


Kinasal na si Prince William at Kate Middleton noong Abril 29, 2011 sa Westminister Abbey. Pero nagulat ang lahat nang bigla na lang tumayo si Fr. Jose Vernon "JV" Ilano habang homily at sinabi, “If there is anyone in the Mass here who are pro-RH bill…please, go out. It’s useless.”


Habang nagaganap ang royal wedding ni Prince William at Kate Middleton, hindi napgilan ng ilang kilalang Philippine personalities ang mag-tweet tungkol sa kasal. Paalala: hindi pa alam ng Baliw Balita dapat bang paniwalaan ang mga tweets. 




Matinding iringan ang pinagdadaanan ng dating magkasintahan na si Aiko Melendez at Mayor Patrick Meneses matapos ipabasa ni Cristy Fermin ang mga tweets diumano ni Aiko Melendez at kaibigan nitong becky tungkol sa kuwestiyonableng kasarian. Nag-text daw sa unreliable naming parloristang correspondent si Mayor Meneses para linawin kung totoo ba ang pinaparatang ng ex-girlfriend niya. Ayon sa hindi pa ma-confirm kung si Mayor Meneses nga ang nag-text, "Hindi totoo na bading ako. Secure ako sa aking sexuality. Nakakalungkot na dapat matapos ng ganito ang aming relasyon ni Aiko. Nasampahan ko na ng kaso si Aiko at pakisabi na lang sa kanya na if she wants war, I’ll give her war. Sabihin lang niya kung saan at kailan. I’ll be there in my red stilettos."






Nag-resign na si Ombudsman Merceditas Gutierrez. Sinabayan ng resignation ang kasalang Prince William at Kate Middleton. Nabalitaan ng Baliw Balita na dumaan sa mga matitinding revisions ang resignation letter ng dating Ombudsman. Narito ang mga rejected unofficial opening resignation lines ni OMG:

  • I am officially resigning as Ombudsman...joke!
  • Mr. President, how is your lovelife? 
  • I would like to make my resignation brief as I would like to go back as a private citizen and enjoy full coverage of the Royal Wedding. 
  • First and foremost, I would like to apologize to Congresswoman Gloria Arroyo. I tried ma'am but the pressure is just too much. I am sorry.
  • Before I step down as Ombudsman, I would like to know if we can enter into a plea bargain agreement?